FINAL

STATE OF THE NATION ADDRESS OF

HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III

PRESIDENT OF THE PHILIPPINES

TO THE CONGRESS OF THE PHILIPPINES

BATASANG PAMBANSA COMPLEX, QUEZON CITY

JULY 27, 2015

         Bago po ako magsimula, hihingi ako ng paumanhin dahil hindi natin nagawa ang traditional processional walk; hindi na rin natin nakamayan ang lahat ng nag-abang. Medyo masama po kasi ang ating pakiramdam sa kasalukuyan.

Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Senate President Franklin Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte, Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal ko pong kababayan: Magandang hapon po sa inyong lahat. Continue reading

PRELUDE

in what maybe a prelude to a possible endorsement , President Aquino generously praised the Liberal Party presumptive standard bearer, DILG Secretary Mar Roxas in his final state of the nation address before the opening of the 3rd regular session of the 16th Congress.

Kay Secretary Mar Roxas: Nasa loob o labas ka man ng gobyerno, hindi tumigil sa panlalait sa iyo ang mga kalaban ng Daang Matuwid. Dahil nga may bilang ka, dahil talagang may ibubuga ka, nagpupursigi silang ibagsak ka. Palibhasa hindi nila kayang iangat ang sarili, kaya pilit ka nilang ibinababa. Sa patuloy nilang paninira, ang mga kritiko mo na rin ang nagpapatunay na takot sila sa angkin mong integridad, husay, at kahandaan sa trabaho. Mar, pinatutunayan mo: You can’t put a good man down. Tulad ng pagtitiwala ng nanay at tatay ko, magtiwala kang alam ng taumbayan kung sino ang tunay na inuuna ang bayan, bago ang sarili” Continue reading